Intended tong Blogpost na to sa pag-sagot ng partikular question sa CuriousCat: “ako lang ba o parang ang shit ng scene group dito sa pilipinas? kung di puro webrip, puro camrip. di rin nagrerelease ng raw release. walang 0-day. meron bang social implications bakit ganun?”
Siguro magandang okasyon to para i-address ko na yung limitadong web pirate scene na umiikot sa paglabas ng mga Pelikulang Pilipino. Preliminary notes lang muna. Di ko muna aayusin yung thoughts ko tungkol dito pero sana masundan mo.
Ganito na lang din siguro ang pwede nating maisip jan: basura ang web pirate scene sa pinas kasi basura ang industriya ng Pelikula dito, basura din ang industriya ng bansa in general.
Sa kasalukuyan, isa lang yung nag-eexist na “scene group” na naglalabas ng Pelikulang Pilipino, yung RSG (Rizal Scene Group? Pwede ring R** S***** Group). Una ko sila naencounter sa Buhay Pirata nung buhay pa yung Buhay Pirata. Tulad ng karamihan sa Buhay Pirata, careless reencodes din yung releases nila. Recently siguro mejo okay, nakakakita na ko ng WEB-DL rips from somewhere (not sure kung iWant o ibang source) sa mga uploads nila sa Avistaz, probably marunong na silang magbypass ng Widevine. Pero even sa mga webrips nila ng mga lumang pelikula mapapansin mo yung carelessness din mismo sa transcoding ng source.
In general, di maganda ang attitude ng Filipino Pirates at Film Producers towards digital redistribution ng mga pelikula. Kung titignan mo mga nire-release sa iWant, digitized analog transfers ang karamihan ng mga lumang pelikula, tapos maraming di corrected na aspect sa video (interlacing, black pixels, etc). Pinakanotoryus yung hindi pag-ayos ng interlace. Kahit sa mga mas bagong pelikula merong mga web source / streaming na ang playback ng pelikula ay 29.97 fps kahit na shinoot yung pelikula sa 23.937 fps. Nangyayari tuloy para macompensate sa maliit na filesize for streaming, binabawasan yung quality ng image kasi bloated ng redundant frames yung mga pelikula (that’s around 5-6 redundant frames per second). Prior to the last months siguro, trip pa rin ng RSG magtranscode, for some reason. Kahit na yung source nila via iTunes (relatively yung pinaka okay na streaming choice for Filipino films, albeit limited titles), tinatranscode pa rin for some reason to tweak brightness o kung ano man.
Medyo may mahabang tradisyon yung pagiging garapal sa pelikula ng mga piratang nagre-release ng Filipino films. Notoryus yung pre-movie animation saka intrusive screen text ni WingTip. Pati yung logos nila SeaDragon saka Sribats75 (sa earlier releases nya). Pero among the earlier pirates, si WingTip may pinakadecent na line up. From what I gather, wala sya sa Pilipinas and it seems na most of his releases actually came from foreign market home video releases and films which are not really available at DVD at the time of their web release sa torrents (Matti’s Sa Huling Paghihintay, Deocampo’s Pedrong Palad, Aguiluz’ Tatarin, among others). Ganon din kay seadragon, siya lang ata may release ng Pangarap ng Puso ni Mario O’ Hara non, na sadly, sobrang sama ng kopya. Guilty rin ang RSG saka yung mga medyo batang members ng Buhay Pirata (Circa 2011-2016) sa paglalagay ng mga annoying na bagay as watermark. Pinakahuli kong napagkatuwaang nag-release ng Pelikulang Pinoy online ay si deeplife sa Avistaz saka si CineDeep sa Karagarga (parehong hindi Pinoy).
Recently yung RSG mas web releases na nga yung nilalabas mainly dahil wala naman talaga nang Home Video market sa Pilipinas. Huling pinakamatinong release ata ng DVD ay nung 2016 pa (mga pelikula ng TBA). Nagsara na rin mga AstroVision at Odyssey outlets so wala nang mapagbebentahan ng DVDs. At medyo limitado rin ang titles sa DVD sa Pilipinas na parang ayaw ipapanuod sa mga Filipino yung mga tingin ng mga kritiko okay na titles. For a while (around mid-2000s) nagkaron ng initiative ang Unitel dati na i-release yung mga titles ng Sampaguita saka ng holdings ng Cinemanila productions ni Lino Brocka. Sobrang limited lang din ng release tapos walang reprints. Yung LVN naman ni Mike De Leon nagkaron ng limited runs din ng DVD releases pero parang ayaw din talaga nilang magbenta sa totoo lang.
Kung titles lang din, relatively okay ang releases ng Viva Video at Regal Films dahil relatively okay ang mga pelikulang naproduce nila mula 1990s hanggang early 2000s (nakakita pa ko ng DVD ng Hesus, Rebolusyonaryo ni Lav Diaz na secondhand onsale non sa CCP months ago, kaso 2k na sya). In comparison, yung Star Records / Star Cinema may mga okay din namang titles pero for some reason di sila nag-release ng DVD para sa marami nilang titles kahit na gano ka-popular at medyo pilit yung paggigiit na Romcom at Vhong Navarro/Vice Ganda comedy flicks lang ang isungal-ngal sa atin imbes na yung mga HK Heroic Bloodshed rip-offs ni Toto Natividad na naproduce din nila nong 90s, o kaya yung mga pambatang pelikula.
Yung recent na interes ng ABS CBN na sagip pelikula relatively brought a renewed interest sa older titles, pero limited to sa releases at intention ng ABS CBN as a corporate entity, not necessarily as a cultural institution. Maraming issue ang involved, kaya limitado lang din yung titles. Interestingly maganda yung choice ng ABS CBN initially to release the titles sa iTunes (along with other Cinema One Originals titles) since don mas okay yung transcoding. Mapapansin mo pag nag-rent ka sa iTunes tama yung framerate at framesize (except sa unang apat na restoration ng ABS CBN: Himala, Oro Plata Mata, Ganito kami Noon, Virgin People. They fucked those up by cropping 25% of the frame just to artificially present the film in widescreen 16:9) plus really good bitrate. So ideally pinoy pirates wouldn’t have that much trouble with it.
Well, after 2016 almost everything is released online as choice for “home video”: Solar Pictures have their Vimeo Pro, ABS CBN have iWant, GMA is having their content over at Amazon Prime, etc. So inevitable na karamihan ng releases ng Pinoy Films ngayon ay WEB-DLs (or worse, webrips haha). Wala ring locally na nagrerelease ng Blu-Rays. Bihira ako makakita ng CamRip except during MMFF season. Nagkaron ng panahon na mas reliable ang mga pirata sa Quiapo kesa sa web pirates (lalo sa mga lumang titles at DVD releases), pero yung turn ng dekada ang nagbago sa dynamics nito.
Di ko alam kung nasusundan mo yung narrative ko dito pero yung tinutumbok kong punto dito eh in general, kupal yung mga pirate release groups na naglalabas ng Pinoy Films kasi kupal din yung mga Film Studios sa mga audience. Wala talaga silang pakialam sa audience. Yung mga piratang pinoy mas nakagugol sa compression rate na below 1.000 BPP (understandable kung trip ng lightweight pero di nito naaaddress yung pangangailangan ng okay na quality). Di talaga sila nagtatangka mga studios kahit na in a very capitalistic attitude to release Filipino films in a way na “legitimately” accessible in the best possible quality. Karamihan ng interesanteng titles kinakahon nila kung saan tapos ibabaon sa limot. Kung magrerelease naman ng pelikula sa streaming, panget yung quality. Maaari nating sabihin na sintomas ito ng malapyudal na pakikitungo ng mga naghaharing uri sa atin (garapalan din ang attitude ng maraming Gen-X sa eksena ilang taon lang na nakalipas tungkol sa usaping ito), pero pwede nating isangtabi yong paguusap don para sa ibang pagkakataon.
Leave a Reply