Download Gabay sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Pilipinas V1
May mga bagay na di ako nasulat sa panimula na dito ko lang muna ilalatag.
Pero una, salamat sa patuloy na pagbabasa sa Missing Codec matapos ng mag-lilimang taon.
Sa ngayon, nag-aadjust pa rin ako sa kung ano-anong mga gawain para mabuhay. Bahagi nito ang dokumentong ito. Bale, ito ay produkto ng pagvolunteer sa pag-gawa ng instructional materials. Gusto ko lang din mabahagi sa iba para ma-assess sya at mapabuti.
Ang Philippine Popular Culture ay asignaturang bahagi ng CHED MO 20 of 2013 sa pag-deklara ng mga bagong asignatura para sa General Education sa mataas na edukasyon. Ngunit ito ay isang elective lang, hindi ito talaga required, mas optional ang pag-ooffer ng Philippine Popular Culture sa ibang mga university.
Walang prescribed na syllabus para dito, pinilit kong maghanap pero wala. Kaya tinukoy ko na lang ang mga paksa para sa buong programa nito ang punto ng pag-aaral ng Kulturang Popular sa materyal na manipestasyon nito bilang pagpapangkat ng kalakal at praktika na pinakakalat ng mediang pangmadla.
Bukas ang blog para sa mga komento at mungkahi para sa gabay na ito.
Ang mga mungkahing babasahin ay maaaring makita dito (di ko nga lang naayos pa)
https://drive.google.com/drive/folders/1F9fH4ABohwba9dpS8ShICGTRBqUvXBPc?usp=sharing
———————————————————
Kung sakaling natukoy ninyo na nakatutulong ito, maaari niyo ring i-consider ang pag-donate sa Missing Codec para sa mga proyekto pa sa hinaharap. Maaaring pumunta lamang sa Pahinang ito para sa mga pamimilian ng paraan apra makapag-donate.
Leave a Reply