Ang pinaka-importanteng tanong na naisip ko matapos na mabasa yung sinulat na komentaryo ni Stephanie Mayo hinggil kay Darryl Yap (sa Tribune, February 12) ay kung sino ba ‘tong “we” na tinutukoy nya sa title nung op-ed nya? Syempre, walang tiyak na punto. Hypothetical ang “we” ni Stephanie Mayo, pwede mo na lang isipin na si Stephanie Mayo lang din yon na nag-clone sa sarili nya ng libong beses (kagebunshin teknik times 2^100000). Pero dahil hypothetical ito at nagpapa-ambiguous, binibigyan nya ko ng puwang para isipin to, at syempre, para laitin yung limitasyon ng hypothesis nya. Hindi interesante ang iniisip ko, malamang susulatin ko rin naman. Mas interesanteng laitin si Stephanie Mayo (na gusto ko talagang gawin kaso next time na lang).
Pero sige, bilang pagbibigay “galang” sa sinulat, usisain natin yung mga punto ng hypothesis nya, pero pwede nating simulan sa kongklusyon na wala talaga syang malinaw na outline para don sa hypothetical nyang need para kay Darryl Yap bilang direktor.
Inihapag ni Mayo ang teksto na si Yap sa tatlong anyo nito: bilang direktor ng mga pelikula, bilang social media personality, at bilang tampulan ng pagdadabog ng mga kakampink.
Yung pinakamalaking katangahan sa pyesa ni Mayo ay kung paano siya gumagawa ng kaso para sabihing si “Darryl Yap ang kailangan ‘nating’ direktor ngayon” pero siya mismo ay hindi interesado sa kakayahan ni Yap sa pamemelikula. Wala bang pa-Film Check jan, binibining Mayo? Ito yung isa sa pinaka-nakakaasar sa pyesa, kasi wala syang argumento para dito kasi di naman sya interesado. Di ba talaga interesante ang estetika ni Yap? “Too hysterical” for your taste? Ano ba taste mo? Maganda ba yan?Parang mas interesante pang mabasa na mapagbangga yang taste mo at sa sinasabi mong pagiging histerikal ng estetika ni Yap kesa mabasa pa na napagdabugan ka rin kasi ni-rebyu mo ang Maid in Malacanang, tanga. “Too hysterical” “albeit compelling”? Panong si Yap ang sagot sa “need” natin ng mga direktor na nag-re-“reject” ng “mediocrity” kung di mo naman sinasabi ano tong sinasabi mong “mediocrity” na sinasagot nya? Explain mo, tanga. Parang hindi si Yap ang clickbait sa artikulo na to, yung utak mo.
Pangalawang katangahan: anong kinalaman ng pagiging social media personality sa pangangailangan “natin” kay Yap bilang direktor? Yung itinama lang talaga sa ng puntong ito ni Mayo ay yung mga pagsasabi nya ng mga obyus na bagay. “He would go down in history as the Filipino director born in the realm of social media,” oo tanga, alam namin, nag pe-facebook din kami. O ano naman?
*kroo-kroo-kroo-kroo*
Walang supporting na punto si tanga.
Ulit, katangahan na sabihin na si Yap ang sagot sa pangangailangan “natin” ng direktor na nagre-“reject” ng “mediocrity” kung sasabihin mo lang din na yung dahilan kaya sya mahalaga at maitatakda sa kasaysayan dahil ipinangak sya sa “realm” ng social media. Tanga, lahat ng mediocrity nasa social media. San non iniwan si Darryl Yap? Di ka kasi nag-iisip.
Yung pinaka-highlight ng mismong op-ed ni tanga eh yung mukhang iisang punto lang para masabing “kailangan” daw “natin” si Darryl Yap bilang direktor eh yung pinagdadabugan sya ng mga kakampink. Eh kung di ba naman talaga isa’t kalahating tanga to si Stephanie Mayo ano? Ano na naman kinalaman non? Kung sinabi nyang “influencer” o “public figure” maiintindihan ko, pero, “direktor”? Tanga lang.
Pero siguro para sa second part ng biradang ito eh patulan natin tong core na punto ni tanga.
Yung sinulat ni Mayo ay tangka upang maibalot sa panibagong mitolohiya ito si Yap. Mitolohiya sa mas kontemporaryong anyo at parehong temperament ng ng karamihan ng mga reaksyunaryo: mitolohiyang tanga sa kasaysayan. Ano lang ba yung concern dito ni Mayo? Kung babatayan yung sinulat, mas ekspresyon ito ng fascinasyon niya sa mga ahente ng fascismo tulad ni Yap. Hindi ito bago, at dapat hindi ito pinagtatakhan ng mga progresibo, mga liberal, o maging mga ideyalista na tingin sa mga pahayagan ay pumapanday ng katotohanan. Mas malamang na ang mga pahayagan lalo sa mga malalaki ay yakapin at i-french kiss sa tumbong ng naghaharing-uri, sabay nguya ng burnik.
Pwede nating tignan ang proseso ng mitolohisasyong ito na sinakyan ni Mayo bilang pagtatangka ng mga fascista na salbahin ang katoto nila mula sa panlilibak ng publiko. Sintomas ito na tinatablan talaga sila ng kung ano mang atake ang nangyayari. Patunay din na kung ano man ang content ng 31 million na iniyayabang ng mga loyalista ni Bobong Marcos, ay maaaring mitolohiya lang din. Mga suporter ng kandidato na “nanalo” nang may pinakapopular na boto pero olats maging sa populistang siste? May mali sa equation. May nagsisinungaling dito.
Pinaka-malalang punto ng ahistorisistang mitolohisasyon ni Mayo ay yung pagtangka nyang i-equate ang pambu-“burn” daw virtually ng mga “gawa” ni Yap ng “minority Twitterati clad” sa pagsusunog ng mga aklat ng mga Nazi. Ulit ano, kung hindi talaga nuknukan ng katangahan itong paghahambing na ito eh no. Sya na nga rin nag-sabi na “minority” yung tumutuligsa kay Yap, tapos ie-equate mo sa aktibidad ng mga Nazi na naghahari noong panahon nila? Tanga. Alam mo ang comparable sa Nazi Bookburning? Yung paniniktik at pananakot at pagdadakip sa mga aktibista nito lang ng mga ahensya ng pasistang estado (mas malala pa nga, kung iisipin mo (nag-iisip ka talaga)).
May punto ng partikularidad ng kasaysayan sa pag-igpaw ng mga katulad ni Darryl Yap na totoo naman na dapat i-acknowledge: kung paano ang mga gawa nya ay sintomas ng naghaharing forma at humahalaw sa mga dominanteng kontemporaryong kultura at karanasan. Madali lang makita to, kasi hindi katangi-tangi si Darryl Yap bilang filmmaker na binunga hindi lang ng social media, maging ng oplan tokhang: mula sa punto ng pagiigng-self-serious, unironic at first-paragraph level ng wattpad pedagogy, hanggang sa postmodernong paniniil sa mga biktima na walang pakialam sa mga valid na kritisismo. Hindi pa natin talaga totoong natutukoy anong klase ang epekto nito sa landscape ng pamemelikula dito. Kung sino man itong “tayo”/”natin” na tinutukoy ni Stephanie Mayo na nangangailangan sa ganitong klaseng filmmaker – sa konteksto lamang ng pag-handle nito ng public relations – ay tila nakikinabang din sa konteksto kung saan nagmumula itong ganitong klaseng filmmaker.
Linawin ko para ma-gets ng katangahan ni Mayo: kung sino man itong “tayo” / “natin” ang nangangailangan para sa filmmaker na katulad ni Darryl Yap ay malamang nakikinabang sa fascismo at kainutilan ng estado. “Without Darryl Yap, will the theaters thrive?” Despite years of mishandling economic crises? SURE, the richest of the Philippines who own the movie theaters love feeding off the movie-going public’s hard-earned money by feeding them cinematic mediocrities.
Di naman talaga kailangan dapat ni Joel Lamangan gawin ang Oras de Peligro: okay, sige, kahit sabihin nyang hindi ito tugon sa Maid in Malacanang, pero ang kondisyon ng tahasang pagsisinungaling ng estado at pag-rerebisa sa kasaysayan ay sapat nang motibasyon para kay Lamangan na gawin ang matagal na nyang laging ginagawa. Consistent naman si Joel Lamangan na tumutugon sa kung ano mang kabuktutan ng estado, lalo sa mga rebisyonista sa kasaysayan mula pa ng panahon ni B(ull)S(hit). Aquino. Di alam yan ni Stephanie Mayo kasi tanga sya.
Lalong di naman talaga natin kailangan na gumawa pa ng pelikula si Vincent Tanada – sa kahit anong konteksto – pero mahalaga ang pelikulang ilalabas nila dahil na rin sa involvement ng Project Gunita dito, na mas magpapalapot at mas magpapaigting sa mas malawak na kampanya upang depensahan ang mga katotohanang pangkasaysayan na dapat nating inaaral din.
Lahat ng ito lalagpas lang don sa utak ni Mayo. Tingin nya kasi, ayon don sa sulatin nya, ay nasa oppressed silang kalagayan ni Darryl Yap kesyo lang minumura-mura sila sa social media. Sila tanga hindi alam kung ano ang kondisyon kung pano magkakaroon ng mga oppressed. Stupid times, indeed, pero sa kanya yon all the time, kasi all the time syang tanga. Pagmimitolohiya lang ang kayang gawin ng mga tangang utak PR tulad nila Yap at Mayo. Di nila kayang magsabi ng totoo, masyado silang tanga para don.
Leave a Reply