Mga Limitasyon ng Tekstwal na Pagsusuri

  1. May mga bagay na di mo dapat binabasa, kundi inuunawa. 
  2. May mga bagay na di mo dapat binabasa, kundi inilulugar.
  3. May mga bagay na di mo dapat binabasa, kundi hinahanap kung nasaan.
  4. May mga bagay na di mo dapat binabasa, kundi inilalagay sa dapat nitong kalagyan.
  5. May mga bagay na di mo dapat binabasa, kundi sinasagupa.
  6. May mga bagay na di mo dapat binabasa, kundi binabaka.
  7. Hindi mo kailangan ng lente para umunawa. Ang kailangan mo ay pang-unawa.
  8. May mga pag-unawang hindi nagmumula sa pagbabasa, kundi sa pag-sagupa, pag-baka, paglulugar, paghahanap at paglalagay sa dapat kalagyan ng isang bagay.
  9. Kung magiging interpretasyon ang tekstwal na pagsusuri ay hindi na ito tekstwal na pagsusuri. 
  10. Walang malalim na pagbabasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *